Monday, December 30, 2013

Putangina mo, 2013.

Kung tao ang 2013 ko, siguro isa siyang teenage druggie na college dropout na walang ginawa kung hindi mag-party sa gabi at makipag-sex sa mga may STDs na iniiwan din siya paggising kasi sobrang fucked up niya lang talaga.

'Di ko na keri, shet. Stress sa chest. Dart sa heart. (Cries internally.)

Pero, syempre, salamat, dahil kahit basura ang naging taon ko, marami naman akong natutunan dito. Kinailangan ko nga lang mag-undergo sa matinding anxiety at depression, magka-suicidal phase, at magkandabaliw-baliw bago ko nakamit 'yung mga aral. Pero ayun. At least, in the end, natutunan ko pa din, 'di ba? No pain, no gain. Dami kong alam na charot. Magkukwento nalang ako.

Una, (at ang pinakamalala, please 'wag kang judger kung ayaw mong masapak) natutunan ko na hindi kailanman magiging solusyon para sa kahit ano ang pagiging suicidal.

Madami lang akong naperwisyo nung dumaan ako sa phase na 'to, lalo na 'yung sarili ko. 'Di naman mauuno ang subjects ko mag-isa kasi naglalaslas ako kaysa nag-aaral. 'Di naman maaalis 'yung mga grades na bagsak sa bawat hiwa na ginagawa ko sa balat ko. 'Di naman kami magkakapera kung lagi ko lang iniisip lahat ng mga nangyayaring masama sa buhay namin imbes na naghahanap ako ng paraan para kumita. 'Di naman makakalaya si Papa kung ikukulong ko 'yung sarili ko sa kwarto ko at magpapagutom. 'Di naman mabubuhay ulit si Lola kung papatayin ko unti-unti 'yung sarili ko. 'Di naman matatapos 'yung problema ko sa kakapuyat sa pag-iisip, kaka-panic, at kakaiyak. Nadadagdagan pa nga kasi naging sakitin ako dahil sa putanginang sleep deprivation at panic attacks shit na 'yan. Nakadagdag pa sa gastos 'yung pagpapagamot.

So, anong natutunan ko? 'Wag tanga. 'Di katapusan ng mundo kapag nagkamali, kapag bumagsak. 'Wag kang masayangan, 'wag kang mag-regret, kasi nangyari na. Nape-pressure ka? Sabihin mo lang sa lahat ng nagbibigay sa'yo ng pressure, lalo na sa sarili mo: "Tangina nyo. Maghintay kayo. Aayusin ko 'to, makikita nyo." Mas sayang kung tatapusin mo 'yung buhay mo sa bagay na kaya pa namang resolbahan. Kaya nga may bukas. Para bumawi. Laging may bukas. Laging may paraan.

Ang dami kong alam, 'no? Syempre, hindi ko matutunan lahat nang 'yan mag-isa. Kaya salamat, at sorry sa lahat ng mga taong tumulong sa aking malabanan 'yung depression. Buti nalang uso ang friends. Siguro, kung wala akong mga ganun, nagpasagasa na ako sa tangke or nag-dive sa toxic waste or something. Wala kasi akong lakas ng loob. Wala akong tiwala sa sarili ko. Pero dahil sa kanila, unti-unti na ulit nagkakaroon. Salamat sa kanila, buhay pa ako ngayon.

Okay ka pa ba, friend? HAHAHAHA. Siguro by now, gulat na gulat ka na or naiiyak or something. Galing kong mangloko, eh 'no? Ang ingay-ingay ko, ang likot, ang hyper, ang saya, tawa nang tawa, pero may nangyayari na palang kung anu-anong mga shit sa buhay ko. Sorry kung naloko kita. Para sa'yo din naman 'yun. 'Di kasi uso sa akin 'yung nanghahawa ng sadness sa labas ng bahay. Ganyan ang mga tunay na emo. Happy on the outside, dying on the inside. 'De, jk lang. (Insert more words of comic relief here.) Ayaw ko lang naman kasi talagang malungkot ka, kaya I share what's left of my happiness and give it to you, guys. Yie, kinilig na 'yan kasi ang sweet ko.

Ayan. Wala na 'yung malalang part. Inuna ko talaga 'yun para puro GV nalang 'yung rest ng post na ito. Hehe. Sorry kung nangbigla ako. Love mo naman ako, e. Love you, too.

Pangalawa, natutunan kong mag-aral! AW YISS. Dati kasi, sobrang #YOLO lang talaga ginagawa ko. 'Di pala talaga uubra 'yun sa UP. Ayan, napaaral tuloy. Okay rin naman pala. Fulfilling mag-acads acads din kapag nakita mong nagbubunga naman nang maayos. Hopefully, mapuntahan ko na 'yung course kung saan ako dapat. 'Yung tipo bang kahit hirap na hirap na ako, okay lang kasi mahal ko naman 'yung ginagawa ko. Hihi. Tiwala lang.

Pangatlo, natutunan kong tumawid. At umuwi mag-isa nang pa-Katip 'yung daan. At gumawa pa ng kung ano pa nang mag-isa. Natuto akong maging independent! Pero konti lang, kasi hanggang ngayon, mas gugustuhin ko pa ring mamatay sa gutom kaysa magluto ng mga hindi instant food. Huhu. Hindi pa rin ako marunong magluto. Pero at least marunong ako magsaing. Unlike some people.. HA.

Pang-apat, natutunan kong importanteng pumasok parati sa klase. Pero next year ko pa mai-a-apply. Tapos na, e. Na-maximize ko na 'yung mga absences dahil dun sa "phase." Ang dami kong na-miss out. Hala, putangina lang. Pero, promise. Kalbuhin nyo ako kung hindi ko magawa. Promise.. Babawiin ko lahat sa 2014.

Lastly, natutunan kong hindi na masyadong dumepende sa ibang tao. At hindi rin masyadong magtiwala sa mga sinasabi ng mga tao sa akin. Kasi anytime, pwede nilang bawiin 'yung sinabi nila, ready ka man or hindi. 'Di ko dapat binibigay 'yung tiwala ko nang buong buo, dahil kaya rin nila sirain nang buong buo. 'Wag rin umasa nang sobra, kasi marami talagang mga paasa lang. Promise nang promise, pero 'di naman nila mini-mean 'yung sinasabi nila. (Pakyu kayo, mga gago.) Pero, hindi pa rin naman masamang magtiwala. Mag-iingat lang talaga ako sa kung sino 'yung binibigyan ko, because people can be so cruel sometimes. Kasama din nito, natutunan ko ring magpatawad. Oo, medyo matagal ko nang alam gawin 'yun. Lalo nung panahong sobrang tatanga-tanga pa. Ang bilis ko mauto sa mga sorry shit na 'yan. Pero, this time, natutunan kong magpatawad nang 'di nakakalimot.

AYAN TAPOS NA AKO SA "WHAT I LEARNED IN 2013 PART."

Dahil dyan, oras na para sa dedications and thank you messages dahil feeling sikat ako. At dahil na rin malandi ako. At ang dami ko lang talagang alam.

(Mag-Ctrl + F nalang kayo para sa pangalan or apelyido nyo. Para fair. At walang inggit or something. At para 'di rin halata masyado na pare-parehas lang talaga 'yung sinasabi ko sa inyo. Pinaghiwa-hiwalay ko lang para mukhang special at for your eyes only. JOKE. HAHA.)


CIRCUIT HAYT! o/ \o
[UP CIRCUIT ]

Yehes naman, syempre una ka. Labyu. Ikaw talaga ang first love ko sa UP. You never failed to make me smile when I'm sad. Sa'yo ako humuhugot ng motivation, e. Isa ka sa mga rason kung bakit ako bumabangon sa umaga.

Kapag tamad na tamad ako pumasok at mag-aral, naiisip ko palang na part ako ng org na 'to, naaalala ko kung bakit ako dapat mag-aral. Kapag nahihirapan ako, laging may mga tao from CKT na handang handang tumulong sa akin, lalo na sa acads. Woo. Dabest ka talaga kahit may sayad ka. I look forward to my years with you in UP. Stay amazing. Salamat sa happiness, UP Circuit! Salamat din sa pagtanggap sa mga kabaliwan ko sa buhay. Alam kong baliw din naman kayo deep inside, tinutulungan ko lang kayong ilabas. Kapag may umaaway sa'yo, sumbong mo lang sa akin, saksakin natin ng Auti Sword. I love my family in UP. I love you. >:D<


#ONETWOTHREEDEATH #RAKNAI2 #PUBDABEST
[#PUBDABEST ]

ETO TALAGA. Main source of happiness gabi-gabi sa Facebook. Kahit manyak tayo, okay lang. Magaling naman tayo sa ginagawa natin. Ipagpatuloy sana natin next year 'yung magandang simula natin ngayong taon. Marami tayong awesome feedbacks na nakuha to feed our egos dahil mayabang tayo. Sana mas marami pa next year. HAHAHA. At kailangan na nating matalo ang Log sa Divwars 2014. DETHRONE. >:D

Salamat sa katatawanan, kamanyakan, random kawalangyaan, at lalong lalo na sa mga kainan. Joke. (Or not. HAHA.) Kinikilig ako tuwing naiisip ko kayo kasi wala, e. Ang perfect lang talaga ng Pub sa akin as div. Lahat ng mga tao, nakaka-GV lang talaga. At super talented pa. At magaganda't pogi't cute pa. At tanggap nyo ako kahit auti ako. HIHI. Love you, Pub! Dabest tayo, pls. Alam nyo 'yan. >:D<

DOSE HAYT! \:D/
[OVE12DOSE ]

Una sa lahat, TAMA NA BULAKBOL. Jk. HAHA. Shet.

Woo! Mga tropa! Mahal na mahal ko kayo. Pero 'di pa siguro ka-level nung level ng pagmamahal sa atin ni batch rep. Masyado tayong mahal nun, e. HAHAHA. Ayun. Salamat sa lahat! Kahit iba na 'yung landas na tatahakin ko soon, 'di nyo pa rin ipinaparamdam na iba ako sa inyo. Kung wala kayo, tuluyan na akong nawala sa UP. Salamat sa pagtanggap sa akin kahit ang daming mali sa buhay ko. Salamat sa lahat ng tumulong at kumakausap sa akin kapag may problema ako. Sorry sa lahat ng na-offend ko or nagawan ko ng masama or something. Babawi ako sa inyo. Woo. Lahat talaga ng hinahanap ko sa friends, nahanap ko dito. Pinaghalong mga auti na mahilig mag-acads at magsaya at kung anu-ano pa. Best batch ever, okay. Labyu, guys. Good luck sa atin sa mga susunod pang taon. Kaya natin 'to. DOSE HAYT! >:D<

We are so attractive.
[TELEFAMILY ]

KAYO. HUHU. Kayo talaga, e. Kayo talaga. Kayo talaga. KAYO. TALAGA.

Salamat sa inyo. Sobra. As in, 'di ko alam kung kailan ako matatapos magpasalamat sa inyo. Kayo 'yung natagpuan kong family, within another family. This time, with deeper bonds, deeper friendships.

Salamat kasi ang dami ko talagang natutunan sa inyo. Isa kayo sa main reasons bakit natutunan ko pa ring tumingin sa brighter side of things. Pinakita nyo sa akin na may kaya pa ring magmahal sa akin kahit ang gulo na ng buhay ko. Sorry kung madalas kong pasakitin 'yung mga ulo nyo at mga puso nyo. Kung wala kayo para kausapin ako, wala na rin talaga ako, e. Huhu. Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal ko kayo. 'Di na ako uulit, promise. 'Di pwedeng mawalan ng baby sun ang Teletubbies. At hindi rin kaya ng baby sun na wala ang Teletubbies, mga Telebabies, at Teleparents. Salamat sa lahat! Let's stay a family, and expand our family, and let's all be happy. Labyu, guys. >:D<

[SHG ]

Hey there, bitches and manwhores. Thanks for the fun concert year! I look forward to going to more shows with you, guys, next year. I already know it's going to be awesome. Thanks for being my internet and concert family. Sorry if I'm not as active as I was before in the group. College happened. Huhu. I'll make it up to you in the future. You are all cray, but I love you all. Have a happy 2014, friends! >:D<

[AGNASIN, ALJERI]

Hi Jeje! Salamat sa paghahatid ng GV sa mga tao! Sobrang funny mo, okay. Parang ako lang. HAHAHA. JOKE. Alam kong may pinagdadaanan ka rin, pero alam ko ring kaya mo 'yan! 'Di na tayo masyadong nakakapag-chikahan. 'Wag ka mahihiya magkwento sa akin, okay. Bawi tayo sa friendship natin next year. HAHA. Labyu, Jeje. >:D<

[APUNTAR, LANCE]

HOOOOY, KUYA LANCE. Salamat sa lahat, a. Dahil sa'yo, never akong nagutom or nauhaw kasi lagi mo akong nililibre kahit 'di mo naman ako MemDiv. Salamat din sa pakikinig sa mga rants at sa mga chika ko and stuff. Marami pa tayong pag-uusapan sa future. Nandito lang ako parati para makinig at aliwin ka. Pero 'di sa malaswang paraan. Labyu, Kuya Lance! >:D<

[BATICULON, JP]

#UHU. Hello po sa kaibigan kong artista! Haha. Sorry kung lagi kitang inaasar. Alam mo namang paglalambing lang namin 'yun sa'yo. Usap pa tayo next year! Sama ka pa rin sa amin (WOO, GO KATIP FRIENDS) palagi kahit Clubber ka na ha. Salamat sa lahat! Damay mo ako sa susunod na manalo ka sa contests. YEHEY. Labyu, JP! >:D<

[BERNARDO, EMJEI]

Dahil mahal kita, at gusto kong magkaintindihan tayo, gumamit ako ng jeje translator.

1 m1$$ U'. $0br4. b71k k~ n n3x+ $3m h4! D4m1 n n+1n6 \'D1 np'6-U$4p'n. jUjU. 4yUn. m4M4+'z $4 74h4+. m4M4+'z $4 p'k1k1n16 $4 4k1n $4 m64 k~Dr4m4h4n qU0h, 4+ p'6-1n+1nD1 n r1n. k~h1+ k~174n, \'D1 k~ n6$4w4. \'D1 mUh 4q 1n1w4n. nnD2 74n6 4q p'r4 $4\'y0 nU' m4n m4n6y4r1, 0k~y. +4p0$, k~1n k~ n 7461 $4 +4m4n6 0r4$ p'r4 \'D1 k~m1 n6-447474 $4\'y0. p'r4mD4m r1n p'r4+1. j4j4. +4w461n mUh 74n6 4q k~p'6 k~174n64n mUh n6 +U70n6, n6 k~1b164n, n6 71br0, n6 74U6h+3r, 74h4+ n! (\'w46 74n6 p3r4. w474 4q nUn. j4j4 jk.) 600D 7Uck $4 71f3, 61r7! 74byU, 3mj31! >:D<

[BRIZUELA, CARL]

Hello, Carl! Kahit ilang beses ko na nasabi, salamat sa parating pagpapainom sa akin ng tubig. You are my oasis. HAHAHA. Charot. Salamat sa pagiging napakabuting kaibigan. Sana next year, matuto ka nang magreklamo. 'Wag ka nang yes man kasi maaabuso ka. Sorry kung napasakit ko 'yung ulo mo nang maraming beses last year. Sana bumalik tayo sa dati na nakakapagkwentuhan pa din. Salamat sa pakikinig sa akin, at sa pagpapanic para sa akin, sa pag-aalala, ganun. Isa pa, lagi lang din pala akong nandito para sa'yo. Babawi ako sa'yo. Huhu. Labyu, Carl. >:D<

[CAPIO, PJ]

HEY THERE, EDUARDO. (Serious face.) Preeeee! Salamat sa pagiging mabuting kapatid. Alam kong 'di tayo madalas mag-usap, pero ramdam naman kita. Sorry kung napag-alala din kita. Salamat kasi nakikinig ka din sa mga kwento ko paminsan-minsan. Magkwentuhan pa tayo nang mas madalas. I'm always here for you, okay. Labyu, PJ! >:D<

[CARDAMA, #ORGSPIRIT]

INOM PA. Chos. Aye, Carlo. Dabest ka. Isa ka sa mga favorite people ko of 2013 kasi 'di ka nang-iwan kahit sobrang leche na nung nangyayari. Sorry kung naperwisyo kita. Alam ko namang gets mo kung bakit nangyari lahat nang 'yun. Salamat sa lahat! Lalo na sa mga heart to heart talks. Marami akong natutunan sa'yo. Salamat sa pagiging andyan para sa akin. Nandito lang din ako parati para sa'yo. Oo nga pala. 'Wag ka na rin masyadong negative. Pogi ka at matalino at tunay na kaibigan. Kung 'di ka naniniwala, tanungin mo lang ako parati. Sasabihin ko ulit sa'yo 'yang mga 'yan. Salamat sa pag-aalaga sa Dose. Kahit inaasar namin 'yung mga GM mo at mga sobra mong cheesy na messages, na-a-appreciate namin 'yun. Good luck sa life! Labyu, pre! >:D<

[CLAVO DE COMER, EIMA]

BEH. Ang cool lang. Naging close tayo ngayong taon. Dati naman, hindi tayo masyadong nag-uusap. Ngayon, halos lahat ng nangyayari sa buhay ko, ikaw 'yung isa sa mga unang nakakaalam. Haha. Dabest talaga ang Pub. Hihi. Ayun. Salamat sa pagiging andyan parati para sa akin. Kahit alam kong minsan, 'di mo na naiintindihan 'yung mga nangyayari.. 'Di mo pa rin ako iniwan. Huhu. Salamat sa pagiging sabaw/happy crush talks buddy ko sa gabi. Kung 'di dahil sa'yo, 'di ko siguro nailalabas ang mga biglaang kilig na nangyayari sa akin. HAHAHA. Salamat din sa pagsabay sa akin pauwi madalas! Dahil sa pagsasabay-sabay natin, iniiwasan tayo ng mga look out. Woo! Nandito lang ako lagi para sa'yo, beh. Okay lang din ako pasahan ng trabaho, pero tanungin mo muna 'yung iba. JK. HAHA. Thanks sa happiness and sa friendship! Labyu, Eima. Suuuper. >:D<

[COLLANTES, DARYL]

Akala ko talaga dati ang sungit mo. Sabog ka rin pala. Huhu. Daryl! Salamat sa pagiging dabest new friend ever. Grabe ka. Lagi mo ako binabantayan. I am so flattered. HAHA. JOKE. Salamat sa pagturo sa akin sa pagtawid sa napakasamang paraan. Alam ko namang magaling ka tumawid nang nagba-ballet ka pa sa kalsada. Huhu. Salamat din kasi kapag nandyan ka, sure akong may kasabay pa ako pauwi! HAHA. Salamat din sa pag-cheer up sa akin tuwing sad ako. Ayuuuun. Thank you sa lahat! I'll always be here for you. Alam kong mas magiging friends pa tayo next year dahil kita ko naman na magka-wavelength tayo. Naks. Usap pa tayo, ha. Labyu, Daryl. >:D<

[DISUANCO, #CHIX]

Teh, bakit ang pogi mo talaga? Huhu. Hanggang ngayon, umaasa pa din akong lalaki ka talaga. Pero you were really born that way. I can't do anything to change that. Sigh. HAHAHA. Salamat sa kasabawan, ka-auti-han, kabaliwan, at lalong lalo na sa mga kalandian! YAY! Haha. Chika more pa next year ha. Alam mo namang parehas tayong maraming kwento. Miss na kita kachikahan, e. Hihi. Thank you sa lahat. Labyu, Kuya Jason. #RAKNAI2! >:D<

[ECHANO, ANDIE]

Hey, Andie! Ang funny mo, sobra. HAHA. Good luck sa life! Pakatatag pa kayo ni Elden. Thanks din pala sa lahat. Salamat sa mga random chikahan. Salamat sa pagpuri sa boses ko every now and then. Turuan din kita mag-gitara someday. Aaaand.. Nandito lang ako parati for you para makinig sa mga kwento mo. Usap pa tayo ulit sa 2014 ha! Labyu, Andie! >:D<

[ELAGIO, JOHN]

Joooohn. Huhu. Sorry sa lahat ng katigasan ng ulo ko. 'Di na ako uulit, promise. Alam mo na 'yun. Magsh-shopping pa tayo ng mga damit nyo sa Greenhills para pogi lalo. Haha. Ayun. Pre, salamat sa lahat. Sa pakikinig, sa pag-away sa akin kapag 'di na naman ako nag-iisip nang maayos. Ramdam na ramdam kong importante ako sa'yo sa mga panahong sobrang asar ka sa akin. HAHA. Joke lang. Sana bumalik tayo sa dati na lagi pa ring nagkukwentuhan. Handa pa rin akong makinig sa'yo. Sana ganun ka din sa akin ulit. Hehe. Stay pogi! 'Wag ka na masyadong negative at malungkot. 'Di bagay 'yun sa mga pogi. Mas bagay sa'yong nakangiti. Labyu, John. >:D<

[EVANGELISTA, KENAZ]

Tatay! Salamat kasi sobrang gentleman mo sa amin ni Eima. Kahit alam kong manyak ka, ganun ka pa din sa amin. HAHA. Charot lang. Salamat sa lahaaaaat. Kahit minsan lang tayo nakakapag-usap at nagk-kwentuhan, alam kong true friend ka. Sabay-sabay pa rin tayo uuwi next year ha! 'Wag kang magbabago sa pagiging awesome. Labyu, Kenaz! >:D<

[FRIAS, LEVIN]

Hey, Levin. Okay na naman ata tayo. Napag-usapan na rin naman natin ang mga pangyayari ngayong 2013. Haha. Salamat sa lahat! I've learned a lot from you. Yehes, nag-English ako. HAHA. Sorry sa mga nagawa kong alam kong masakit sa ulo at sa puso, and pinapatawad na rin naman kita sa mga sabi mong nagawa mo. Fresh start ulit sa 2014! Tama na iyakan at kadramahan. Aantayin kong mabuo natin ang Adventure Time cast dahil bati na talaga tayo. MWEHEHE. Woo. Bawi tayo sa ating friendship next year. Dami nating na-miss out dahil inuna natin ang mga samaan ng loob. Good luck sa lahat. Kwento ka lang kapag ready ka na, ha. I miss you, sobra. Labyu, Levin. >:D<

[FRONDA, ELLA]

HEY DURR, GRRL. Huhu. Grabe, sobrang lala kapag nagkakasama tayong dalawa. Binabaliw natin lahat ng mga nasa paligid. Hahaha. I miss you, Ella! Salamat sa pagtitiwala sa akin! Na-a-appreciate ko 'yung mga kwentuhan nating dalawa. Sayang, medyo taliwas 'yung sched natin ngayong sem. 'Di na tayo masyado nakakapagchikahan. Bawi tayo next year ha. Thanks for being my friend! Labyu, Ella! >:D<

[GALIDO, SWAGGY G]

KUYA ALDON, DABEST PO KAYO. Salamat din sa pagpapainom sa akin parati mula sa inyong swag water. Sobrang na-a-appreciate ko 'yun. Haha. Salamat din po sa pag-aalala sa akin lalo kapag may sakit ako. I feel loved. Hihi. Sana mas makapagkwentuhan pa tayo next year! 'Di 'yung puro kalokohan lang tayo at pag-rant tungkol sa panget. HAHAHA. Turuan nyo naman po akong maging fit. Ang taba ko na talaga, sobra. I crey. Sobrang awesome nyo maging kuya. Sana kuya ko kayo sa totoong buhay. Ang bait nyo kasi talaga sa akin. Huhu. Nakakaya mo nga 'yung mga kabaliwan ko. Sinasabayan mo pa. Dabest talaga. Salamat sa everything. Labyu, Kuya Aldon. >:D<

[HO, HANI]

Kuya Hani! Salamat po sa pagiging mabuting kuya. Sana rin po totoo ko kayong kuya dahil sobrang dami nyong wisdom. Haha. Salamat sa lahaaaat. Sa mga libre, sa mga advices na binibigay nyo, as in sa lahat. Sobrang swerte ko na orgmate kita. Ang dami kong natutunan sa inyo. Mami-miss kita pag-graduate mo! Good luck po sa life! Labyu, Kuya Hani! >:D<

[HONTIVEROS, NOVA]

DUDE. Thank you sa lahat. Sorry kung 'di na ako masyado nagkukwento sa inyo. Love ko pa rin naman kayo kahit anong mangyari. Haha. Bawi tayo next year! Bwisit ka. 'Wag mo ako parampahin sa birthday mo, please. Maawa ka sa akin. Huhu. Ayun. Salamat kasi parati ka pa rin andyan kahit magkalayo na tayo ng paaralan. True friend ka talaga. Alam mo na 'yan. Dito pa rin ako parati, ha. Labyu, Nova! >:D<

[KABIGTING, ALEXANDREA HAHAHA]

Hey there, Kabigs! Ganda ng pwet mo. Exercise tayo next year, ha. Gusto mo magka-abs, gusto kong pumayat. HAHA. Ayun! Thanks dahil natanggap mo ako as friend kahit 'di ako #whitegirl. JK. Sana mas makapag-usap pa tayo next year kasi masaya kang kasama. Labyu, Kabigs! >:D<

[LUBUGUIN, RAVEN]

Bro, miss na kita kasabay at kakwentuhan sa bus. Huhu. Naiiyak pa din ako kapag naaalala ko 'yung sinabi mo sa akin na nag-iba 'yung tingin mo sa akin mula nung nagkwento ako sa'yo. Sobrang na-touch ako. Salamat sa pakikinig sa akin. At salamat rin sa pagtitiwala. Nandito lang ako parati para makinig ha. Ayun. Sobrang talented, talino, awesome, at bait mo. Pero alam kong malungkot ka din. Kaya mo 'yan, ha. Kapit lang. 'Wag kang magbabago. Labyu, Raven. >:D<

[MACAYANA, KNER]

Mabuhay, Kner! HAHA. Sorry, para maiba lang naman. Woo. I miss you sobra! Sana happy ka na parati. Sorry sa naidulot kong sakit ng ulo at puso sa'yo dati. 'Di na po mauulit. Hindi ko na rin sasabihing bumalik sa dati, kasi ayaw mo na rin naman ata nun. Jk. Haha. Basta. Nandito pa rin naman ako parati. Magsabi ka lang. Hehe. Salamat sa lahat. Sobrang halaga ng papel mo sa buhay ko. 'Di ko 'yun makakalimutan. Sana ikaw rin. Labyu, Kner! >:D<

[MAGLALANG, KARYN]

Labs! Ay mis yu. Wi du nat tok beri mats enimor. Aym sow sori por ebriting ay hab dan in da past yir. Bat ay em beri teynkpul dat yu steyd with mi oltruawt. Aym sori ip ay meyd yu crey. Dat wil nebur hapun agen, howpfuli. Teynks por olweys being der por mi. Teynks por leting mi rayd yor blu en kyut car. Ay olredi mis being shotgun. Haha. Yu ar sow priti en nays en ay howp yu du nat cheynj. Gewdlak wid ebriting. Ay howp yu en mah bff wil end ap tugeder poreber bikas ay rily want mai keyk. Jas kiddings. HAHA. Let as katch ap agen nekst yir. Mor hangs sun, Labs. Labyu, Karyn! >:D<

[MAÑALAC, ENZO]

Hallo, Lolo! Thankful ako na nakilala kita. Hehe. Para kitang kuya. Lagi mo kaming binabantayan, e. Salamat dun! And pati na rin sa tiwala sa akin lalo na sa mga kwentuhan, sa mga pagpapasakay sa akin sa car mo, sa laughter, at sa marami pang iba. Ang saya mong maging kaibigan kahit na this year lang tayo nag-shift from magkakilala to close friends. Kaso 'di na rin tayo masyado nakakapag-usap. Sana next year balik na tayo sa dating gawi. Huhu. Sorry rin kung na-stress kita dati. Salamat ulit! Labyu, Enzo! >:D<

[MARIFOSQUE, LEVI]

Ehe, Levaves. Sa pumapangalawa (Oo, hindi na ikaw 'yung una. Gasps) sa mga pinaka pachix kong friends, thank you. Alam mo na 'yan. Kahit maraming nangyari ngayong taon, thankful pa rin ako na naging part ka ng 2013 ko. Kahit na ba mas madalas tayong magkaaway kaysa bati, okay lang din. Masaya naman kapag okay tayo kaya chill lang. HAHA. Sorry sa lahat ng mga nagawa at nasabi ko sa'yong nakaka-stress. Nasabi ko lang naman 'yun out of anger, or something. 'Di ko naman mini-mean 'yung mga 'yun unless sinabi ko talaga sa'yo na I meant it. Ang dami mong pinagbago this year, sa totoo lang. And they were good changes. Haha. Salamat sa pagsabay sa akin sa pagbaba sa Ligaya kapag ginabi na pauwi. Na-a-appreciate ko 'yun, sobra, kahit iniiwan mo ako kapag tumatawid tayo. HAHAHAHAHA. Joke lang. Sorry din kung lagi kitang tinataboy sa chat. Minsan (or madalas) wala lang din talaga ako sa mood, gusto pa rin naman kita makausap. Salamat din sa pakikinig at 'di pang-iiwan sa mga times na kailangan ko ng friend. Naks. Ayun. Sana mag-improve pa ang friendship natin next year. 'Di na natin dapat kinasusuklaman ang isa't isa. Haha. Salamat talaga sa lahat. Good luck next year. Labyu, Levi. >:D<

[OLASIMAN, KATE-Y]

Daaaaaaaaaad. Thank you po sa pagiging dabest #olasimawesomest Teledaddy EVER. Legit. Ang dami nyong naituro sa akin. Pinanindigan talaga natin ang pagiging Telefather and Teledaughter. HAHA. Salamat po sa mga advices na binigay nyo ni Telemommy. Hindi ko man matandaan lahat word by word, pero alam ko namang mai-a-apply ko na 'yung mga 'yun sa susunod. Sorry po kung nakakasakit ako ng ulo. Huhu. Salamat din po sa pagkunsinti sa pagkain ko ng sweets at hindi pagsusumbong sa akin sa mga taong magagalit. HAHAHAHA. Ang random nito, pero turuan nyo naman akong sumayaw and stuff kahit 'di ako flexible. Huhu. Salamat din po pala sa pagsabay sa akin paminsan-minsan pauwi. Kwentuhan pa tayo ulit next year! Salamat po sa everything, Dad. Lalo sa happiness and sa laughter. Pahingi na rin po ng swag. Labyu, Kuya Kate-y! >:D<

[OLVEÑA, MARLO]

You. Are. So. Pretty. And you have pretty hair, too. But most of all, you have a pretty heart. Sobrang bait mo. Oo, you may be kind of moody, pero all in all, you're really nice as a person. Naiintindihan mo ako kahit sobrang ewan na nung nangyayari. Sorry pala dun sa nangyari sa bahay niyo. 'Di na mauulit, bro. I promise. Salamat na rin pala sa pagtitiwala sa akin sa mga kwento mo. Ganun rin ako sa'yo. Hehe. Sana mas makapag-usap na ulit tayo next year! Medyo nawala in the latter part of this year 'yung mga kwentuhan natin, e. I miss you! Good luck sa Engg Week next year, hopefully. HAHA. ALAM MO NA 'YAN. Jk. Labyu, Marlo. >:D<

[PALAFOX, JAKE]

BUDDY! I MISS YOU, BUDDY. #CLINGY Haha. Miss na kita talaga. Sobra. Kaka-miss mag-fangirl kasama ka. Ayun. Salamat sa pagtitiwala sa akin! Lalo sa app process mo. Sana 'di kita nabigo as buddy. I'm so proud of you! Sobrang galing mong batch head. #13ADABEST #12Bulok HAHAHA. Hindi na tayo masyadong nakakapag-kwentuhan, nakakalungkot. Pero alam ko namang babawi tayo next year. Magkaiba lang talaga sched natin this sem. Huhu. Lunch ulit tayo minsan, ha. Marami akong ikukwento. Good luck sa lahat, Buddy! Andito lang ako parati para sa'yo kasi ikaw lang ang Telebaby ko. Labyu, Jake! >:D<

[QUIAMBAO, MAYELLE]

Hai, Mai. Hihi. Thank you sa lahat. Since high school pa, o! Salamat kasi kahit kailan, 'di ko naramdamang nawala ka sa tabi ko. Pasensya na kung hindi na ako masyadong nagkukwento sa inyo. Babawi ako next year sa kwento. Ayun. Kita naman tayo minsan sa school! Puro org tayong dalawa, e. HAHAHA. 'Wag ka sanang mabago. Ang cute at ang talino at ang bait-bait mo. You're a keeper. Good luck sa life! Labyu, Mayelle! >:D<

[RAHAYEL, FADI]

Hey, girl, come here often? HUHU. Kuya Fadi! Sobrang hanga po ako sa inyo. Ang galing galing nyo po sa Miss Engg. Hehe. Anyway, salamat po sa lahat. Isa po kayo sa itinuturing kong parang legit kuya sa Circuit. Salamat po sa pag-cheer up at pagpapalakas ng loob ko kapag down ako at nawawalan ng pag-asa. Na-a-appreciate ko po lahat 'yun. Sorry po kapag hina-hack namin ni Boss 'yung Facebook at Twitter mo. Totoo namang maganda ka, e. HAHAHA. Ayun. Sana po makausap ko pa rin kayo next year kahit alam kong magiging busy na kayo. Good luck po sa life! Labyu, Kuya Fadi. >:D<

[RAYMUNDO, JHE]

Hoy. Miss na kita. Alam mo na 'yan kung bakit. 'Di ko alam kung anong nangyari, bakit tayo biglang nalayo sa isa't isa. Pero ayun. Sana bumalik na kaagad sa dati. Salamat sa lahat, a. Sorry rin kung pinasakit ko ulo at puso mo. Hindi na sana maulit. I will try my best. Huhu. 'Di na tayo masyado nagkikita and nagkakasama. What happened to being #clingy? Hahaha. Nalulungkot ako. Pero ayun. Bawi nalang sa susunod. Tiwala sa friendship natin. Usap pa tayo next year! Labyu, Jhe. >:D<

[SANICO, ARLO]

BABOY KA. MANYAK. HAHA. Joke. Sayaw nalang tayo, Arlo. (Pouts.) Kain ka pa nang marami, a. 'Di kami magsasawang busugin ka hangga't 'di ka pa rin tumataba. Sorry kung lagi kitang inaasar. Ang payat mo lang kasi talaga, para kang posporo. HAHA. Are you gonna stay the night, Hayley? HAHAHAHA. Ang sama ko talaga sa'yo. Pero thank you, dahil dumagdag ka sa mga favorite new friends ko this year. Salamat sa mga sabaw talks sa madaling araw. Osam ng music taste natin. Usap pa tayo next year! Labyu, Arlo. >:D<

[SAN PEDRO, ERWIN]

Erwin! You're my biggest friend with the biggest heart. Huhu ka. Sobrang swerte ko na naging kaibigan kita. Matalino na, funny na, mabait na, matalino pa. Salamat dahil lagi kang andyan para sa akin. Miss na miss na kitang kachikahan. Kahit madalas tayong mag-asaran, alam ko namang love mo ako. HAHA. Ayun. 'Wag ka sanang magbabago, kasi ang galing mo talaga. Nakikita kong someday, makakasali ka sa Exeboard. Yie. Haha. Salamat sa lahat, a! Sorry rin kung nabigyan man kita ng stress. Good luck sa lahat. Usap usap ulit next year. Labyu, Erwin. >:D<

[SANTOS, ARVIN]

Hey, ultimate #chix #whitegirl. Thanks for everything. Kung wala ka, wala na rin siguro ako. Salamat kasi never mo ako iniwan, pre. Ako rin, dito lang ako parati para sa'yo. Sorry sa stress. 'Wag ka na sanang malungkot. 'Di ko na rin ipipilit kung ano 'yung tingin kong tama. Follow your heart, with the guidance of your brain. Alam mo na 'yan. Malaki ka na. HAHA. Salamat sa lahat talaga. 'Di ko alam kung paano ko mai-e-express nang maayos, pero ayun. SALAMAAAAAT. Wah. Kwentuhan mo lang ako kapag may bumabagabag sa'yo, ha. Makikinig ako. Good luck! Aral nalang tayo nang mabuti. Ngiti ka parati. Labyu, Arvin. >:D<

[SORIANO, DENISE]

Oo na. Ang dami ko na talagang utang na kwento sa'yo. Huhu. Sorry, Denise. Babawi talaga ako sa'yo next year. YAY! Ayun. Salamat sa happiness! Madalas mo kasi akong chini-cheer up kapag malungkot ako. I appreciate that. Sana mas maging close pa tayo next year kasi ramdam kong mabuti ka talagang kaibigan. Kakakilig. Hihi. Labyu, Denise. >:D<

[TABAO, LORENZO]

Aye yo, mah BFF! Ang landi landi mo. #LML HAHA. Joke lang. Ehe. Salamat sa lahat, ha. Isa ka pa. Kung wala ka, wala na rin siguro ako. Thanks for saving my life. Sorry kung madalas kitang ma-stress out. Alam mo namang isa ka lang talaga sa mga sobrang pinagkakatiwalaan ko kaya ikaw 'yung lagi kong kinakausap. Salamat din dahil binigyan mo ulit ako ng best friend. Kahit pa lagi tayong nag-aaway, at naglalaitan, nagtatampuhan, at nag-aaway even more, salamat pa rin kasi nandyan ka. Salamat din sa pagbabantay sa akin. Sa mga pagsabay pauwi dati. Sa mga kwentuhan sa jeep. Sa pag-cheer up. Sa therapeutic hugs. Ay nako, lahat na. HAHA. Salamat sa pagiging Enzot. Alam mo na 'yan, teh~ Haha. Sorry rin pala kung masyado akong sensitive minsan. Nabawasan na naman ata, 'di ba? Hehe. Salamat sa pagtuturo sa akin ng maraming wisdom. Pwede na akong maging dragon warrior. I can fight my dragons on my own now. Pero minsan, kailangan ko pa rin kayo. Pero that could be sorted out. Give me a year or two. HAHA. Magiging fully independent din ako one day. Tiwala lang. Good luck sa inyo ni Labs. Alam ko namang masaya kayo. Hihi. I miss you. Usap tayo kapag may time ka. Andito lang ako. Good luck sa buhay! You dabest kilay ever. Labyu, Lorenzo. >:D<

[TAN, EMIL]

Mr. President! Ang awesome nyo po, sobra. Galing nyong magbalanse ng buhay. Try nyo pong maging tight rope walker, baka kaya nyo rin pala. HAHA. Joke lang po. (Lord. Patawad.) Anyway, salamat po sa mga motivations. Nakakatulong po talaga 'yung mga 'yun. Salamat din po sa pagtitiwala sa akin. 'Di ko in-expect na magkakakwentuhan tayo paminsan-minsan. Ang imba nyo kasi. (What. HAHA.) Good luck po sa life. Alam ko namang magiging successful po kayo. Natatandaan ko pa rin 'yung sabi mong ako magde-design ng bahay mo someday. Sana nga. Haha. Labyu, Kuya Emil. >:D<

[TRINIDAD, JON]

Boobs. Este.. Manyak. Este.. Boss. Huhu. Hey there, Kuya Jon. Salamat sa pagiging all around osam, funny, and cool guy. Nakakaalis ka ng BV kapag nagkakalat tayo ng kung anu-anong kagaguhan sa Extreme Pubchat. Haha. Salamat sa mga random libre, sa pagpapautang, sa tiwala sa akin para i-handle si CKTwitter, sa happiness, and sa pagiging fun VP of the Information and Publicity Division. Huhu. Nakakatuwa po talaga kayo. Sobrang random nyo lang at sabog. Nagtataka ako kung bakit 'di kayo madalas hikain sa sobrang hyper nyo. HAHAHA. JOKE LANG, 'WAG NAMAN. Sana mas maging open pa kayo sa hilig nyo sa pop culture para hindi nalang puro porn 'yung nab-bring up. Chos. Haha. I will miss you, Boss. 'Wag kang mag-#DarkDays next year. Malulungkot ako. Huhu. 'Wag ka na rin pa-chix. Grabe. Ikaw na 'yung pinaka-pachix talaga na friend ko so far. HAHA. Continue being osam, okay. Tapos continue being scary and evil in the eyes of others. #ONETWOTHREEDEATH Good luck sa acads! Graduate graduate din! Labyu, Kuya Jon. >:D<

[VALENZUELA, ERIKA]

Hello. Haha. Sana okay na talaga tayo. Ang saya mo kayang kasama. Kalimutan na natin lahat ng samaan ng loob na nangyari ngayong taon, pero 'wag nating kalimutan lahat ng natutunan natin. Sorry din sa lahat. Sorry kung nas-stress ka sa akin madalas. Salamat din sa friendship. Sana mas makapag-usap pa tayo next year now that every bad thing that happened this year's out of the way. Good luck sa lahat. Be happy. Labyu, Erika. >:D<

[VERDAD, CHARLES]

Hello, Telecharles. Nabibigla pa din ako kapag nagjo-joke ka, Kuya. HAHA. Ayun. Salamat po sa isa sa mga itinuturing kong legit kuya sa CKT! Ang osam kasi ang daldal mo na ngayon. Sabi nila hindi ka naman ganyan dati. Yie. Pagpatuloy mo lang ang pagiging social butterfly. HAHAHA. Thank you po sa lahat ng mga naituro nyo sa akin. Isasapuso ko po lahat nang 'yun. Usap ulit tayo next year. 'Di mo na naituloy 'yung kwento mo sa akin tungkol sa nag-iisa mong almost love story. Huhu. Labyu, Kuya Charles! >:D<

[VILLACORTA, DAN]

Bebeeeee. Ikaw ang nag-iisa kong anak sa Circuit. Buti nalang kasi hindi ko kaya na maraming anak, mahihilo ako. Haha. Joke lang. Ayun. Continue being imba! Good luck sa life, ha. Kwentuhan pa tayo next year. 'Di ka masyadong nakapagkwento sa akin this year dahil walang time. Hahaha. Strive pa sa acads! Alam kong magiging mayaman ka someday. Palimos ha. HAHA. Oo nga pala, huhu. Takot ako sa ano. Sana 'wag niya 'tong masamain. Nanay mo lang talaga ako, 'di ba. HAHAHAHA. Labyu, Dan. >:D<